“CYNTHIA VILLAR, MAAALALA KA BILANG MATAPOBRENG SENADOR NA NAGPALAYAS NG MGA KOMUNIDAD PARA SA SARILING KITA.”
Ito ang sagot ng Kadamay National Secretary General Mimi Doringo sa non-apology ni Cynthia Villar hinggil sa outburst na naganap sa Las Piñas.
“Gusto niya palang ipaglaban ang tama at mabuti para sa mamamayan? Ibalik niya ang lahat ng ni-landgrab niya sa mga magsasaka at maralita,” dagdag pa ni Doringo.
“Gawin niya ang trabaho niya. Magpasa siya ng mga batas para sa dagdag-sahod at katiyakan sa kabuhayan.”